PART 1 BAKAL NA TULAY
Di ko alam kung papaano sisimulan
Isang tula ng galit, puot at pagnanasa
Nasa mapansin yaring mga Bata
Tulad nalamang ng nasalarawan.
pagpaumanhin mo ika’y aking kinunan
Di ko ginawa para gawing libangan
Sinadya ito ng katulad kung tamlastangan
Nanagnanais gumawa ng makabuluhan
Sa tulad mong pinagkaitan
Nang maayos na tahanan
Upang may masisilungan
Tuwing sasapit ang tag-ulan
Sa Tulay na bakal Ikaw nakahiga
Kapirasong papel panangga sa Baga
Ikaw nilalampasan ng taong daraan
Ni isa wala man lamang nakaramdam
Kunting habang sa iyong kalagayan
Na Mabigyan kalamang ng Kartong mahihigaan
Sadyang ang tao kanya kanya nalang
Yan kasi ang turo ng mga dayuhang nasa kanluran
Sa mura mong idad Ika’y na mulat
Salupit ng mundo nagawa ng lahat
Nasan na ang pamahalaan
Nasaan na ang Simbahan
Ayon at abala sila sa kanilang tsikahan
Kinakalimutan ang kanilang pinapasan
Na nga pangako tuwing mayhalalan
Mga matatabang salita pag nasa simbahan.
Sa lahat ng bata sa Bansang ito
Tama bang madama nila to
Diba’t sana’y silay natototo
Na maging mabuting Tao..
Subalit kayo na mismo
Gumagawa ng salot na tatawagin nyo
Kasi lalaki silang mga sira na ang ulo
Wala na sa hulog pagkinausap mo
Di ako magtataka kung lumaki silang ganoon
Alam naman nating Kayo ang may tinom
Kung saan dapat nakadereksyon
Kanilang Pupuntahan sa darating na panahon
Sa mga kababayan ko nais ko sana humiling sa inyo
Ang pagtulung sa kapwa ay hindi isang Masama
Lalo pa’t sa mga kagaya nilang mga bata
Tulungan natin sila hindi lamang sa salita kundi sa gawa.





